^

Probinsiya

5 drum ng pampasabog narekober ng AFP, PNP

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasilat ng tropa ng Armed Forces of the Phili­ppines (AFP) at Philippine National Police ang tangkang pambobomba ng New People’s Army (NPA) matapos nilang mahukay ang limang drum ng mga eksplosibo at bomb making materials sa isinagawang operasyon sa Labo, Camarines Norte, ayon sa ulat ng military nitong Miyerkules.

Sinabi ni Lt. Col. Jeffrex Molina, spokesman ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ng Philippine Army, natunton ang nasabing mga pampasabog kamakailan matapos naman itong ituro ng isang sibilyang tipster.

Ayon kay Molina, ang ibinaong mga eksplosibo ay mula sa Explosion Team ng NPA sa Brgy. Exciban, Labo.

Inihayag ni Molina na agad nagtungo sa lugar ang tropa ng 16th Infantry “Maglilingkod” Battalion at 85th Infantry “Sandiwa” Battalion katuwang ang mga kasapi ng PNP at dito’y nadiskubre ang limang drum ng mga pampasabog na sangkap sa paggawa ng improvised explosive divice (IED) at 21 piraso ng denonating cord.

Pinapurihan ni Army’s 2nd Infantry Division (ID) commander Major Gen. Roberto Capulong ang pagkakarekober ng nasabing mga pampasabog at dito’y nasilat ang plano ng mga rebelde na maglunsad ng terorismo sa mga komunidad.

Pinasalamatan naman ni Capulong ang sibilyang nagbigay ng impormasyon sa mga sundalo sa natu­rang mga nakabaon na eksplosibo.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with