Cellphone shop niransak: P300K gadgets nilimas
CAVITE, Philippines — Niransak ng hindi bababa sa dalawang katao ang isang cellphone shop at natangay ng mga suspek ang iba’t ibang uri ng gadgets, kamakalawa sa Brgy. Lucsuhin, Ibaba Alfonso, ng lalawigang ito.
Aabot sa mahigit P300K halaga ng iba’t ibang uri ng cellpones, laptop ang tinangay ng mga suspek .
Sa ulat ng pulisya, alas-3:25 ng madaling araw nang pasukin ng mga ‘di nakilalang suspek ang CMIKEE Cellphone and Accessories Store sa Brgy. Lucsuhin Ibaba ng nasabing bayan.
Winasak ng mga ‘di kilalang suspek ang padlock ng rollup ng shop at sa loob lamang ng ilang minuto ay kinulimbat ang mga cellphone na kinabibilangan ng 6-units ng iPhone, 12 units ng Oppo, isang Vivo, 4 Uniltel, 5 Realme, 4 Techno, at 5 Infinix, kasama pa ang 2-units ng Lenovo laptop at isang Xiaomi Tablet.
Sa pahayag ni Mariano Castillo, store manager, 32-anyos, alas-11 umano ng umaga nang kanilang madiskubre ang panloloob sa kanilang shop.
Nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang pulisya at nangangalap na din ng CCTV footage sa lugar upang matukoy ang mga suspek.
- Latest