^

Probinsiya

Pagsabog ng mga paputok sa Zamboanga City: 30 na sugatan

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
Pagsabog ng mga paputok sa Zamboanga City: 30 na sugatan
Kabilang sa 30 na nasugatan sa matinding pagsabog ng mga paputok sa Brgy. Cabatangan, Zamboanga City ang tatlong miyembro ng Phi­lippine Coast Guard na kabilang sa nagsagawa ng disposal operation na nauwi sa trahedya, kamakalawa.
John Unson

Bahay at simbahan napinsala rin

MANILA, Philippines — Tatlumpo katao kabilang ang 19 uniformed personnel, isa rito ang nasa kritikal na kondi­syon ang naitala nang nasugatan sa pagsabog ang mga paputok na nakatakda na sanang i-dispose ng mga awtoridad sa lungsod ng Zamboanga nitong Lunes ng hapon. 

Sa report ng Zamboanga City Police Office, kabilang sa mga biktima ay anim na police officers,­ tatlong miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) , limang tauhan ng

Bureau of Fire Protection (BFP), limang tauhan ng Philippine Marine Corps at 11 iba pa na karamihan ay mga sibilyan. 

Sa kabuuang 19 uniformed personnel, isa rito ang nasa kritikal na kondisyon habang apat pa ang grabeng nasugatan. Ang iba pang mga biktima  kabilang ang mga nagtamo ng bahagyang sugat ay nakalabas na sa pagamutan. 

Base sa inisyal na imbestigasyon, alas-5:35 ng hapon nang mangyari
ang pagsabog ng mga nakumpiskang paputok ng mga awtoridad matapos itong dalhin sa site para i-dispose sa Brgy. Cabatangan ng lungsod.

 Ang nasabing mga paputok na nakumpiska sa isang bodega noong Hunyo 29 sa Brgy Tetuan, Zamboanga City ay ibiniyahe ng mga tauhan ng Regional Explosive Canine Unit (RECU) 9 sa Zamboanga Peninsula gamit ang isang marked vehicle  na may plakang 092805 para dalhin ito sa disposal site sa Zone 2, Brgy. Cabatangan sa nabanggit na siyudad.

 Sinabi sa report na hinahakot at inihihilera pa lamang ang mga paputok para i-dispose ito nang sumabog ito nang wala sa oras na ikinasugat ng 30 biktima.

Sa lakas ng pagsa­bog, napinsala rin ang isang bahay at simbahan malapit sa isang military firing range sa lugar.

Dahil sa insidente, nagsasagawa na masu­sing imbestigasyon ang PNP upang malaman kung may dapat bang managot sa pinaniniwalaang maling pagdispatsa nitong Lunes ng mga paputok. 

Sa kabila nito, tiniyak kahapon ni Zamboanga City Mayor John Dalipe ang ayuda ng kanyang tanggapan para sa mga biktima ng pagsabog.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with