^

Probinsiya

Babae tinodas, tsinap-chop ng ka-live in

Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Babae tinodas, tsinap-chop ng ka-live in
Ang nahukay na labi ng ginang na pinatay at pinaghati-hati ang katawan ng kanyang ka-live in bago inilibing sa silong ng kanilang bahay sa Lucena City, Quezon.

Inilibing sa silong ng bahay

MANILA, Philippines — Karumaldumal ang sinapit ng isang babae na nawawala ng halos isang buwan nang  matagpuan ang bangkay na ang katawan ay hinati sa tatlong bahagi na nakalibing sa ilalim ng kanilang barung-barong na bahay sa Barangay 5, Lucena City, Quezon, kamakalawa.

Nadiskubre ang naaagnas ng katawan ng biktimang si Ronalyn Alvarez, 29, matapos na umanin sa krimen ang live in partner nitong si Ryan Porga, 29, isang
construction worker.

Ayon kay PLt. Col. William Angway, chief of police dito, bandang alas-2:00 ng hapon habang kinakapanayam ang suspek ng imbestigador sa police headquarters matapos na naaresto sa kasong paglabag sa BP 22 ay naging emosyonal ito.

Itinuga ng suspek na siya ang responsable sa pagkawala ng kanyang ka-live in noong June 30,2024.Habang nasa loob umano sila ng kanilang barung-barong ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa pagsasaksakin niya ng icepick ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Gamit ang isang gulok, pinutol ng suspek ang ulo, katawan at hita ng ka-live in saka inilagay sa sako at inilibing sa ilalim ng kanilang bahay upang itago ang krimen.

Ibinunyag din ng suspek na noong March 2023 ay magkatulong nilang pinatay ni Ronalyn ang kapitbahay nilang si Analyn Orjejada saka inilagay sa drum at inilibing sa ilalim ng kanilang bahay at sinementuhan ang sahig.

Upang mapatunayan ang kanyang itinuga ay sinamahan ang suspek ng mga operatiba ng SOCO at doon ay nakumpirma ang ginawa niyang krimen.

Nakapiiit na sa lock up jail ang suspek at nahaharap sa mga kaukulang kaso.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with