^

Probinsiya

Driver nagluto ng lasing, utas sa sunog!

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Driver nagluto ng lasing, utas sa sunog!
Ang labi ni John Eric Jholanco, 26, driver-empleyado, ay nadiskubre ng mga rumespondeng fire marshal malapit sa harapan ng bodega dakong alas-4:30 ng madaling araw.
STAR/ File

Kalan naiwang bukas

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Patay na nang marekober ng mga bumbero ang isang 26-anyos na driver-caretaker matapos matupok ang isang bodega dahil sa hinihinalang naiwang bukas na stove sa San Pedro City, lalawigang ito, kahapon ng mada­ling araw.

Ang labi ni John Eric Jholanco, 26, driver-empleyado, ay nadiskubre ng mga rumespondeng fire marshal malapit sa harapan ng bodega dakong alas-4:30 ng madaling araw.

Sinabi ni Police Staff Sergeant Erazo Jr, officer-in-case, na nagsimula ang sunog sa bodega na naglalaman ng stock computers items at iba pang light materials sa Barangay Cuyab, dakong 11:50 ng gabi at natapos ang sunog dakong alas-4:30 ng madaling-araw.

Bago ang insidente, sinabi ni Erazo na ang biktima kasama ang kanyang kapatid ay nag-inuman sa kahabaan ng Quezon Street sa Barangay Cuyab, San Pedro, pasado hatinggabi.

Matapos ang inuman, iniwan na lamang ng kapatid ng biktima si Jholanco na lasing na lasing, ngunit sinabi ng imbestigador na nakaramdam ng gutom ang biktima at nagluto subalit naiwang bukas ang stove.

Makalipas ang isang minuto, mabilis na kumalat ang apoy sa pali­gid ng bodega at isang pagsabog ang narinig ng mga kapitbahay ng biktima.

Sinabi ni Erazo na ang unang dahilan ng sunog ay ang sobrang init ng Gasul stove na nakalagay sa bahagi ng harapan ng bodega.

Aniya, wala nang naiulat na nasugatan at isa lamang ang napaulat na nasawi at ang kabuuang pinsala ng ari-arian ay umabot sa tinatayang P7 milyon.

vuukle comment

JOHN ERIC JHOLANCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with