^

Probinsiya

Sa 5-buwang drug operation P88 milyong shabu nakumpiska sa Kabikulan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Umabot na sa 88,007,018 pisong halaga ng droga ang nabawi ng Police Regional Office 5 sa ginawang anti-illegal drugs operation sa iba’t ibang panig ng rehiyon simula Enero 1 hanggang Mayo 31, ngayong taon.

Ito ang iniulat ni PRO5 regional director Brig.Gen.Andre Perez Dizon kaugnay ng matagumpay na laban nila sa iligal na droga sa Kabikolan.

Sa naturang panahon, nasamsam ng mga ope­ratiba ang 11.328 kilo ng shabu, 41.07 gramo ng cocaine at 17.6 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga lahat ng mahigit P88-milyon habang nasa 637 n drug personality ang naaresto.

Malaking bagay umano ang pagkakahuli ng mga drug suspects pati na ang pinalakas na mga programa ng Police Regional Office 5 sa paghuli sa mga kriminal at police vissibility dahilan para bumaba ang walong focus crimes .

Sa 439 kasong theft na noong 2023, bumaba ito sa 278-kaso ngayong taon; rape na may 360 ay bu­magsak sa 224 kaso; robbery na mula sa 183 ay 108 na lang; physical injury na 208 ay nasa 139 na lang; mula sa 83 na lang kaso ng murder ay 77 na lang; 30 sa homicide ay 27 na lang. Sa 8,343 na iba’t ibang naitalang kremin sa buong Bicol ay 81.36 porsyento ay na-solve habang 90.95 porsyento ang cleared.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with