^

Probinsiya

Pera ng kumpanya naipatalo sa online sabong, kolektor arestado!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Pera ng kumpanya naipatalo sa online sabong, kolektor arestado!
Television showing feeds of cockfight events.
Philstar.com / Irish Lising

Nag-report pa sa pulis na naholdap

MULANAY, Quezon, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang microfinance collector matapos na maipatalo nito sa online sabong ang collection money ng kanyang kumpanya sa bayang ito, kamakalawa.

Ayon sa ulat, nagtungo pa ang suspek na si alyas “Jayson”, may sapat na gulang sa himpilan ng Mulanay Municipal Police Station at nagreklamo na siya umano ay naholdap subalit nakitaan siya ng paiba-ibang pahayag.

Sa huli ay inamin din ng suspek na intensyonal nitong itago ang nasabing collection money na nagkakahalaga ng mahigit ?166,000.

Samantala, noong hatinggabi ng Hunyo 4 ay narekober na ang bag ng suspek na naglalaman ng transaction documents at pera na nagkakahalaga na lamang ng ?42,000.

Nasa kustodiya na ng Mulanay Police Station ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Qualified Theft.

vuukle comment

ONLINE SABONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with