^

Probinsiya

Taclobanon faithful, tutol sa mga bastos na rally - Mayor Romualdez

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas gugustuhin ng mga Taclobanon faithful na ipagdiwang ang kapistahan ng Santo Niño de Tacloban kaysa salubungin ang mga kalapastanganan at bastos na protesta tulad ng isinagawa ng mga Maisug rallyist, ayon kay Tacloban City Mayor Alfred S. Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na dapat magpokus ang mga Maisug rallyists na pinangunahan ni dating Presidente Rodrigo Duterte sa ibang isyu dahil hindi mareresolba ng kanilang mga protesta ang mga kailangang harapin agad na isyu.

“They’re celebra­ting the Feast Day of Santo Niño. Maraming relihiyoso rito. Natatakot din ang mga tao rito. May pagmumura, hindi maganda ang mga sinasabi. ‘Di naman nila gusto ‘yun,” pahayag ni Mayor Romualdez sa isang panayam sa radyo.

“Hindi naman sa kal­ye inaayos ‘yan. ‘Pag may problema, nag-uusap naman.‘Yung anak niya Vice President, eh ‘di kausapin si Presidente anytime. Kami mga simpleng tao sa Tacloban, ano magagawa naman po namin?” dagdag pa niya.

Sinang-ayunan ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre ang mga Taclobanon faithful, at sinabing --“Huwag naman sana gamitin ito na pamamaraan para mambastos. Mas marami pa yatang mura (ang mga naunang rally nila). Wala naman akong naririnig na panalangin.”

Binatikos din ni Mayor Romualdez ang Maisug rallyists sa pamimilit umano sa mga tao na lumabas gayong nananalasa ang bagyo sa bansa. Binigyang-diin na pinoproteksiyunan lamang ng local government ang mga mamamayan.

“Hiling ko lang naman sa kanila, dito sa Tacloban, kasagsagan ng Yolanda, natapos ang Yolanda, dini-discourage talaga namin ang rally rally. Wala naman ho maso-solve ‘yan eh,” dagdag pa niya.

Pinabulaanan din ng alklade ang akusasyon ng dating Pangulo na hinihigpitan ng local go­vernment ang mga flight sa Tacloban upang hindi makarating ang mga ralistang Maisug.

vuukle comment

FAITHFUL

RALLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with