^

Probinsiya

3 batang missing, natagpuang patay sa dalampasigan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong bata na unang napaulat na nawawala ang natagpuang pawang mga bangkay na sa dalampasigan ng South San Juan, Agdao, Davao City, ayon sa naantalang ulat nitong Lunes.

Kinilala ang mga biktima na sina Johanne Ryle Generosa, 4-anyos; Gabrielle Roque, 7  at Alexis Pastor, 7; pawang mga residente ng nasabing lugar.

Sa report, sinabi ni P/Captain Hazel Tuazon, spokesperson ng Davao City Police, pasado alas-2 ng hapon nitong Sabado nang mapaulat na nawawala ang tatlong magkakalarong paslit.

Nang hindi mahanap ang mga bata, dumulog na sa mga awtoridad ang kanilang mga magulang.

Gayunman, bandang alas-9 ng gabi nang matagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang katawan ng mga batang sina Roque at Generosa na kapwa idineklarang dead-on-arrival na sa pagamutan.

Dakong alas-10 naman ng gabi nang sumunod na mahanap ang katawan ng isa pang biktima na si Pastor pero nabigo na ring maisalba sa pagamutan.

vuukle comment

HAZEL TUAZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with