^

Probinsiya

Bulto ng mga armas at bala ng BIFF, samsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasamsam ng tropa ng militar ang sari-saring armas at bulto ng mga bala ng pinaghihinalaang mi­yembro ng Bangsa Islamic Freedom Fighters (BIFF) terrorists kaugnay ng pinaigting na kampanya kontra terorismo sa isinagawang operasyon sa Maguindanao del Norte, ayon sa ulat ng militar nitong Martes.

Sinabi ni Major Andrew Linao, Acting Chief ng Public Affairs Office ng  AFP-Westmincom, nagsagawa ng puspusang military operations ang mga element ng 2nd Mechanized Battalion  ng Phil. Army  sa Brgy. Labungan, Dau Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte kamakalawa na nagresulta sa pagkakarekober ng mga armas at bulto ng mga bala ng mga kalaban.

Kabilang sa mga narekober ay bulto ng mga bala ng sari-saring mga kalibre ng mga armas gayundin ang isang M14 rifle, dalawang M16A1 rifles, isang garand rifle, dalawang 12 gauge shotguns  at isang cal. 45 Thompson.

Isinailalim na sa safekeeping ng security forces ang narekober na mga armas at mga bala ng BIFF terrorists para sa kaukulang disposisyon.

Sinabi naman ni Lt. Gen. William Gonzales, Commander ng AFP-Western Command, magpapatuloy ang kanilang pinalakas na operasyon upang malipol ang nalalabi pang mga terorista na banta sa seguridad at kapayapaan sa Central Mindanao.

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with