^

Probinsiya

72 brgy. health workers tumanggap ng tig-P12K cash aid

John Unson - Pilipino Star Ngayon
72 brgy. health workers tumanggap ng tig-P12K cash aid
Mismong ang bagong talagang Bangsamoro health minister na si Dr. Kadil Sinolinding, Jr. (kaliwa), ang naghatid ng cash allowance para sa 72 health wor kers sa SapaSapa sa TawiTawi.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Tumanggap kamaka­lawa ng tig-P12,000 na insentibo ang may 72 barangay health workers (BHW) ng napakalayong islang bayan ng Sapa-Sapa sa Tawi-Tawi mula sa Bangsamoro Health Ministry, na nabalam na maipamahagi dahil sa kahirapang makakonekta sa kapitolyo dito sa lungsod.

Sa ulat nitong Biyernes ng local government unit ng Sapa-Sapa at ng mga himpilan ng radyo sa iba’t ibang lungsod sa Mindanao, mismong ang bagong talagang health minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na si Doctor Kadil Sinolinding, Jr., isa sa 80 na miyembro ng regional parliament, ang siyang naghatid ng natu­rang P12,000 na halaga ng tatlong buwang allo­wance para sa bawat isa sa mga 72 na BWH.

Sa kanilang pagpulong, ipinaabot ni Health Minister Sinolinding sa mga BWH sa Sapa-Sapa na may direktiba si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim na tuluy-tuloy na dapat ang paggawad sa kanila ng monthly allowance bilang suporta sa kanila ng regional government sa kabila ng kanilang pagiging direktang nasa control ng Sapa-Sapa municipal government.

Nagpasalamat nito ring Biyernes ang mga local executives ng Sapa-Sapa sa BARMM government sa kanilang ipinamigay na P12,000 para sa 3-buwang allowance ng 72 nilang BHW.

vuukle comment

BHW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with