P3.4 milyong droga samsam sa mall parking
CAVITE, Philippines - Nalambat ng pulisya ang isang big-time na tulak at dealer umano ng droga sa inilatag na buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa parking area ng isang kilalang mall sa lungsod ng Bacoor, kahapon.
Arestado ang suspek na kinilala sa alyas na Jalanin, 38-anyos. residente ng Brgy 3, Nasugbu, Batangas.
Sa ulat ng pulisya, alas-10 ng umaga nang ilatag ng PDEA Cavite Provincial Office at PDEA 4A RSET 1 ang isang buy-bust laban sa suspek .
Sa Parking C lot ng isang mall sa lungsod ng Bacoor naganap ang buy-bust operation at pagdating ng suspek ay bitbit nito ang isang brown paper na naglalaman ng shabu na ide-deliver nito sa poseur buyer.
Umabot ng 500 gramo ng shabu ang nakumpiska sa suspek na aabot sa halagang P3, 400,000.
Nabatid na nagmula pa ng Batangas ang suspek sakay ng kaniyang 2019 Avanza na kulay itim at may plakang NDM 3332 nang dumating sa Bacoor City para lang magbenta ng illegal na droga.
- Latest