^

Probinsiya

2 teenager patay sa lunod sa Cagayan

James Relativo - Philstar.com
2 teenager patay sa lunod sa Cagayan
Litrato ng naarekober na bangkay ng nalunod na 14-anyos sa isang ilog sa Solana, Cagayan, ika-28 ng Marso 2024
Released/Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labi ng dalawang 14-anyos na lalaki sa probinsya ng Cagayan matapos maligo sa isang ilog sa kanilang bayan.

Huwebes nang makuha ng Coast Guard District North Eastern Luzon  (CGDNELZN) ang mga nasawi sa Purok 7, Natappian, Solana. Sinasabing namatay sa pagkalunod ang dalawa.

"They were identified as Aldrin Mabborang (resident of Andarayan North, Solana) and David Miguel Caasi (resident of Basi West, Solana)," wika ng Coast Guard sa isang pahayag kahapon.

"According to their companions, they decided do leisure bathing at a nearby river. The two victims, who also did not know how to swim, unconsciously reached a deep part of the river, causing them to drown."

 

 

Inilipat naman na ng search, rescue and retrieval (SRR) team ng PCG ang mga bangkay sa kani-kanilang pamilya matapos ang insidente.

Ipinapaalala naman ng CGDNELZN sa mga residenteng mag-ingat at maging mapagmatyag sa tuwing maliligo sa gitna ng matinding init.

Kahapon lang nang sabihin ng PAGASA na aabot sa "dangerous levels" ang heat index sa 14 lugar sa bansa ngayong Biyernes Santo. Posibleng umabot sa 44°C ang heat index sa Iloilo City at Roxas City ngayong araw.

Una nang ipinaliwanag ng PAGASA na magkaiba ang karaniwang air temperature na sinusukat ng thermometer kumpara sa heat index — bagay na ginagamit para sukatin ang init na nararamdaman ng katawan ng tao.

CAGAYAN

PHILIPPINE COAST GUARD

SOLANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with