^

Probinsiya

Phivolcs nagbabala sa pagragasa ng lahar sa Bulkang Mayon

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Phivolcs nagbabala sa pagragasa ng lahar sa Bulkang Mayon
Mayon volcano continues to spew lava on June 14, 2023 in Albay.
The STAR / Edd Gumban

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Dahil sa malalakas na buhos ng ulan sanhi nang pinagsama-samang sama ng panahon ng habagat, bagyong Dante at Emong ay mahigpit na nagbabala ang Lignon Hill Phivolcs Observatory Station sa Legazpi sa mga residente ng mga barangay na nasa palibot ng Mt.Mayon sa posibilidad na pagragasa ng lahar na may kasamang abo,buhangin, maliliit na bato hanggang malala­king bato o boulders mula sa itaas ng bulkan.

Sa panayam kay De­borah Fernandez,resident volcanologist ng Phivolcs-Legazpi City kaila­ngan ang mahigpit na pag-iingat ng mga residente dahil kapag nagpatuloy ang malalakas na pag-uulan ay posibleng magkaroon ng volcanic sediment flows o lahar, muddy streamflows sa mga river channels at gully ng bulkan.

Nakaambang rumagasa pababa ang mga tinatawag na erodible volcanic materials lalo na ang pyroclastic density current deposits na mas kilala sa lokal na tawag na “uson” na dating mga deposito sa nakaraang mga pagputok ng Bulkang Mayon noong 2018 at 2023.

Sinabi ni Fernandez na sa taya nila noong 2023 eruption umabot sa 50-milyong kubiko ng mga materyales ang ibinuga ng bulkan maliban pa sa 2018 eruption na umaabot sa 65-milyong kubiko.

Kung magpatuloy umano ang bagsak ng ulan ay posibleng kalahati ng naturang milyon-milyong deposito ang dumausdos pababa.

Inalerto ang mga residente na nasa Brgy.Miisi ng bayan ng Daraga; Binaan, Ano­ling at Brgy. Quirangay ng Camalig; Maninila, Masarawag at Muladbucad ng Guinobatan; Brgy. Nasisi ng Ligao City; Brgy. Mabinit at Matanag sa Legazpi City; ilang bahagi ng mga barangay ng lunsod ng Legazpi, Brgy.Lidong at iba pang lugar ng bayan ng Sto. Domingo na nasa Basud Channel; at ilang barangay na nasa Bulawan Channel sa bayan ng Malilipot.

BULKANG MAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with