^

Probinsiya

50-taong madugong ‘rido’ sa Sulu, tinuldukan na

John Unson - Pilipino Star Ngayon
50-taong madugong �rido� sa Sulu, tinuldukan na
Luhaang nagyakapan ang mga namumuno ng mga angkan ng Idjirani at Barahama matapos lumagda sa kasunduang wakasan na ang kanilang madugong labanan na nagsimula pa noong 1974.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Matapos ang 50-taon na “rido” o madugong awayan ng mga angkan sa probinsya ng Sulu na nagsanhi ng pagkamatay ng hindi bababa sa 50 katao sa bawat panig, nagkasundo na rin ang magkabilang panig na magkaayos at magpatawaran nitong Lunes.

Sa pahayag nitong Martes ni Brig. Gen. Allan Nobleza, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, pumayag nang mag-ayos  ang mga angkan nina Fhena Idjirani at Banden Barahama at lumagda pa ang kanilang mga kinatawan ng isang kasunduang tuldukan na ang madugong away ng kanilang mga angkan na nagsimula pa noong 1974.

Ang mga Idjirani ay kalat sa ilang mga barangay sa bayan ng Parang habang ang mga Barahama ay mga residente ng Indanan, pawang sa lalawigan ng Sulu.

Ayon kay Nobleza, pumayag ang dalawang angkan na kalimutan na ang kanilang madugong labanan, na nag-ugat sa mga away sa lupa, pulitika at kontrol ng mga teritoryo, sa pakiusap na rin ng mga emisaryo ni Sulu Gov. Hadji Sakur Tan, mga mayors ng Parang at Indanan, mga kasapi ng mga police stations sa naturang dalawang mga bayan at mga opisyal ng Sulu Provincial Police Office.

Ayon sa mga opisyal ng Sulu provincial police, malaki din ang naitulong ng Islamic religious community sa probinsya sa pag-areglo ng 50-taon na rido ng mga Idjirani at mga Barahama, kung saan nagkaroon sila ng mga labanan gamit ang mga assault rifles na nagsanhi ng pagkamatay ng ma­rami sa bawat panig, ilan sa kanila mga menor-de-edad at mga babae.

vuukle comment

SULU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with