^

Probinsiya

Bulacan shootout: Tulak, asset ng pulis todas!

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Bulacan shootout: Tulak, asset ng pulis todas!
Sa report ni Lt. Colonel Voltaire Rivera, hepe ng Sta. Maria Police, habang nagsasagawa ng surveillance ang mga pulis kasama ang kanilang “Alpha” na si Bernard De Guzman alyas “Nikki” nang makatunog umano ang target at agad nagpaputok ng baril na nagresulta sa pagganti ng putok ng mga pulis.
STAR/ File

STA. MARIA, Bulacan, Philippines — Patay ang isang asset ng mga pulis nang mabaril ng tulak sa engkuwentro sa Barangay San Vicente ng nasabing bayan ka­makalawa ng gabi.

Napatay din ng mga awtoridad ang drug suspek matapos na makipagbarilan ito sa mga pulis.

Sa report ni Lt. Colonel Voltaire Rivera, hepe ng Sta. Maria Police,  habang nagsasagawa ng surveillance ang mga pulis kasama ang kanilang “Alpha” na si Bernard De Guzman alyas “Nikki” nang makatunog umano ang target at agad nagpaputok ng baril na nagresulta sa pagganti ng putok ng mga pulis.

Agad naman napatay ang target na si alyas “Alexis” sa shootout, nasa hustong gulang.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-8:30 ng gabi nang maglatag ng drug bust operation ang mga awtoridad sa nasabing Barangay kung saan ang target nila ay isang alyas Alexis na kilalang tulak sa nasabing lugar. Napatay ang suspek habang sakay ng kanyang itim na motorsiklo na papatakas na sana matapos mapatay ang asset.

Nabawi sa suspek ang isang medium size plastic sachet ng shabu, isang kalibre .45, isang cellphone at shabu paraphernalia.

vuukle comment

COLONEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with