^

Probinsiya

2 lalaki utas, babae sugatan sa pamamaril

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

JOSE PANGANIBAN, Camarines Norte, Philippines — Patay ang dalawang lalaki habang sugatan ang isang babae matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa Seaside Resto Bar sa Poblacion ng Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa ng madaling araw.

Agad nasawi dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina Rogelio Avila, residente ng Brgy.Bagong Silang Labo; at Michael Dequilio, ng Brgy. San Lorenzo Ruiz, San Pedro, Laguna.Habang sugatan naman ang babaeng kasama na si Diane Echane.

Sa ulat, alas-12:45 ng madaling araw habang masayang nag-iinuman ang mga biktima sa naturang resto bar nang dumating ang hindi nakilalang suspek.

Mabilis itong bumunot ng baril at sa hindi malamang dahilan ay walang kaabug-abog na magkakasunod na pinutukan ang mga biktima na duguang humandusay. Makaraan nang pamamaril ay mabilis na nakatakas patungo sa hindi malamang direksyon ang suspek.

Patuloy sa imbestigasyon ang mga pulis para malaman ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa pamamas—lang.

vuukle comment

PAMAMARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with