State of calamity idineklara sa Asuncion, Davao del Norte
MANILA, Philippines — Matapos ang mahigit sa 6,000 na pamilya ang lumikas dahil sa baha ay idineklara na ng Asuncion sa Davao del Norte ang state of calamity noong Miyerkules.
Ang mga pag-ulan na dala ng shear line ay nagdulot din ng malawakang pagbaha sa buong Davao del Norte, na nakaapekto sa mahigit 16,000 na pamilya.
Sa Tagum City, lumikas na ang mga residente sa Laureta Elementary School sa Brgy. San Miguel.
May mga stranded din na indibidwal sa Compostela, Davao de Oro noong Martes ng gabi.
Sa kasalukuyan, ang target ng local government unit ay magpatupad ng road rehabilitation para bigyang daan ang mga isolated site.
- Latest