Hustisya sigaw ng mga kaanak ng 2 binatilyo na inutas sa Masbate
USON, Masbate, Philippines — Hustisya ang sigaw ng mga kaanak ng dalawang binatilyo na pinagbabaril hanggang masawi habang naglalakad pauwi galing ng post-Christmas party noong Biyernes ng madaling araw sa Brgy.Mongahay, Uson ng lalawigang ito.
Siniguro naman ni Masbate Provincial Police Office director Col. Liane Van De Velde na maihahatid ng kapulisan ang hustisya para sa dalawang binatilyo na posibleng inabangan at pinagbabaril habang naglalakad pauwi galing ng post Christmas party noong Biyernes ng madaling araw sa Brgy. Mongahay, Uson ng lalawigang ito.
Sa ulat ng pulisya, kapwa bulagta at duguan nang matagpuan sa tabi ng kalsada ang mga biktima na sina alyas “Edmon”, 18-anyos, at alyas “Jepoy Jr.”, 14-anyos ng Brgy. Mabini, Uson. Tinutugis na ang nasa likod ng pamamaslang sa mga biktima.
Sa ulat, dakong alas-3 ng madaling nang matagpuan ng mga residente ang mga nakabulagtang biktima sa tabi ng kalsada at may mga tama ng punglo sa katawan.
Sa report ni Brgy. Chairman Charlie Verallo sa mga pulis, huling nakita umano ang dalawa sa kasayahan ng Christmas party sa Brgy. Paguihaman.
- Latest