^

Probinsiya

19 combat rifle, machinegun isinuko sa Basilan

John Unson - Pilipino Star Ngayon
19 combat rifle, machinegun isinuko sa Basilan
Ang 19 combat rifles at light machinegun na isinuko sa 101-IB ng mga barangay officials sa Isabela City, Basilan bilang tugon sa disarmament program ng pamahalaan kaugnay sa Mindanao peace process.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines —  Isinuko sa 101st Infantry Brigade ng mga barangay officials sa Isabela City, Basilan ang 19 combat rifles at isang light machinegun bilang tugon sa disarmament program ng pamahalaan kaugnay ng Mindanao peace process.

Magkahiwalay na kinumpirma nina Lt. Gen. Galido, commander ng Philippine Army, at ni Bangsamoro regional police director Brig. Gen. Allan Nobleza ang boluntaryong pagsuko ng mga armas ng ilang mga barangay officials sa Isabela City, isang port city sa Basilan nitong Huwebes.

Pormal na na-turnover ang naturang mga baril kay Brig. Gen. Alvin Luzon, commander ng 101st Infantry Brigade, ni Isabela City Administrator Peter Eisma sa isang seremonyang ginanap nitong Huwebes sa Barangay Tabuk, dinaluhan nila Basilan Gov. Hadjiman Salliman at ni provincial police director Col. Carlos Madronio.

Ang mga may-ari ng walang lisensyang mga baril, kabilang dito ang isang FN 5.56 light machinegun, ay pumayag na ipagkatiwala na ang mga isinukong armas sa 101st Infantry Brigade sa  sa magkatuwang na pakiusap sa kanila ni Isa­bela City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, Salliman, Luzon at Madronio.

Idinaan ang pagsuko ng kanilang mga armas sa 19th Special Forces Company ng Philippine Army na naka-base sa Barangay Tabuk.

Ayon kay Luzon at Salliman, inaasahan nila ang pagsuko pa ng mas maraming baril ng iba pang mga residente sa 11 na bayan sa Basilan at sa Lamitan City na isa ring port city sa probinsya.

ARMY

GALIDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with