^

Probinsiya

70 ‘boga’ nasabat sa Kabikulan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
70 âbogaâ nasabat sa Kabikulan
Teenagers are seen firing boga in Barangay Culiat, Quezon City.
STAR/Jesse Bustos

Sa kampanya vs ilegal na paputok

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Mas pinalakas ng Police Regional Office 5 ang kampanya laban sa iligal na paputok na “boga” sa Kabikulan matapos maitala na halos karamihan ng mga nasugatan ng firecrackers ay dahil sa naturang uri ng paputok.

Ayon kay Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng PRO5, hanggang kahapon ay umabot na sa 70 bilang ng improvised canon o boga ang nakumpiska nila sa buong rehiyon. Pinakamarami ay sa lalawigan ng Sorsogon na may 20; Camarines Sur ay 18; Naga City, 3; Catanduanes, 15; apat sa Albay; at dalawa sa Camarines Norte.

Ayon sa tala ng DOH-Bicol Center for Health Development sa pangunguna ni regional director Dr.Ernie Vera, umabot na sa 12-katao ang isinugod sa mga hospital dahil sa paputok.

Karamihan umano rito ay mga bata na naputukan ng boga. Apat ang nabiktima sa Camarines Sur; tatlo sa Naga City; tatlo sa Cama­rines Norte; at dalawa sa Albay. Pito sa kanila ang naputukan ng boga; dalawa dahil sa five star; at fountain; habang isa ang nasugatan ng hindi pa matukoy na uri ng paputok. Pinakabatang naputukan ay isang 7-anyos na batang lalaki na tinamaan ng boga sa mata.

Kung hindi susunod sa panawagan ng mga otoridad ay inaasahang madaragdagan pa ang mabibiktima ng paputok hanggang kahapon madaling araw sa pagsalubong ng Bagong Taon at hanggang sa susunod pang mga araw.

POLICE REGIONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with