^

Probinsiya

Obrero pinatay ng kapwa obrero

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang malalim na saksak ang tumapos sa buhay ng isang construction worker mula sa kapwa nito construction worker nang sundan siya habang papauwi makaraan ang kanilang inuman, kahapon ng madaling araw sa Sitio Sumandal, Brgy. Kabulusan, bayan ng Magallanes, dito.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang si Joselito Benitez, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar habang tumakas ang suspek na si alias “Arnold” na tinutugis na ng mga pulis.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-3:15 ng madaling araw nang maganap ang insidente makaraang magkainuman ang biktima at suspek.

Papauwi na umano ang biktima nang sundan ng suspek at inundayan ng malalim na saksak sa tiyan bago mabilis na tumakas.

Posibleng nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at suspek sa kanilang pag-iinuman na nauwi sa pagpatay sa una.

vuukle comment

JOSELITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with