^

Probinsiya

Nanalong kagawad sa Davao del Norte, itinumba!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Nanalong kagawad sa Davao del Norte, itinumba!
Kinilala ng San Isidro Municipal Police ang biktima na si Jay Glen Dela Rama, bagong halal na kagawad ng Barangay Sawata sa bayan ng San Isidro.
STAR / File

COTABATO CITY, Philippines —Isang dating sundalo na bagong halal na barangay kagawad sa bayan ng San Isidro sa Davao del Norte ang nasawi matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem nitong Martes.

Kinilala ng San Isidro Municipal Police ang biktima na si Jay Glen Dela Rama, bagong halal na kagawad ng Barangay Sawata sa bayan ng San Isidro.

Sa ulat ng DXMY-Radio Mindanao Network at ng Catholic Station DXMS dito sa Cotabato City, pumanaw sa ospital si Dela Rama, ilang oras bago pagbabarilin ng mga ‘di kilalang suspek sa loob mismo ng kanyang tindahan. Nabatid na si Dela Rama ay retiradong kasapi ng Philippine Army.

Sa imbestigasyon, habang nasa loob ng kanyang tindahan si Dela Rama nang pasukin ng isang lalaki at pinagbabaril nang walang habas, na nakunan ng secu­rity camera sa loob ng naturang establisimyento. Agad tumakas ang gunman at kasama nito sakay ng motor­siklo matapos ang pagpatay sa kagawad.

DAVAO DEL NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with