^

Probinsiya

Coastal areas sa Pangasinan, binabantayan kontra pagkalunod ngayong Undas

Pilipino Star Ngayon
Coastal areas sa Pangasinan, binabantayan kontra pagkalunod ngayong Undas
Tinatarget ng PDRRMO ang ‘zero drowning incident’ ngayong Undas kasabay sa long weekend kaya’t ipi­nag-utos sa kanilang mga counterpart sa munisipiyo ang mahig­pit na pagbabantay sa kanilang mga nasasakupan.
Pangasinan PDRRMO/Facebook page

MANILA, Philippines — Pinaalerto ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Pangasinan ang lahat ng coastal mu­ni­cipalities at ci­ties sa lalawigan na ban­tayan ang kanilang nasasaku­pang baybayin na inaasahang dadagsain ngayon ng mga tao ka­sabay sa paggunita ng Undas.

Tinatarget ng PDRRMO ang ‘zero drowning incident’ ngayong Undas kasabay sa long weekend kaya’t ipi­nag-utos sa kanilang mga counterpart sa munisipiyo ang mahig­pit na pagbabantay sa kanilang mga nasasakupan.

Bukod sa mga bay­ba­yin ay pinapatutukan rin ng PDRRMO ang mga sakop na ilog, sapa, irigasyon at iba pa na maaring puntahan o bisitahin ng mga tao na nais maligo dala na rin ng maalinsa­ngang panahon.

Ipinaalala rin sa mga lokal na pamahalaan na magtalaga ng mga magbabantay sa ganitong mga lugar para mapaalalahanan at ma-monitor ang mga tao lalo na ang mga bisita o dayo lamang sa isang lugar na madalas ay nagiging biktima ng pagkalunod.

PDRRMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with