^

Probinsiya

4-anyos hulog sa ilog, patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Hinihinalang nadulas at nahulog sa ilog ang g 4-anyos na batang lalaki na naging sanhi ng pagkalunod nito kamakalawa ng hapon sa Sitio Aplaya Brgy. Wawa 3, Rosario, Cavite.

Hindi na naisalba pa sa pagamutan ang biktimang nakilalang si Curdken Kayden Tampoc, 4-anyos, residente ng Jimenez Street, Brgy. Wawa 3, Rosario, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-5:30 ng hapon nang matagpuan ang katawan ng batang biktima na nakalutang sa ilog ng Sitio Aplaya.

Sa pahayag ng lolo ng biktima, nawaglit umano sa kanila ang biktima na agad din nilang hinanap.

Makalipas ang may ilang minutong paghaha­nap ay nakita nila ang paslit na nakalutang na sa ilog. Agad siyang itinakbo sa Rosario Maternity and Medical Emergency Clinic subalit hindi na umabot pang buhay.

Posibleng naglalakad umano ang biktima at nadulas hanggang sa mahulog sa nasabing ilog nang walang nakapansin na siya nitong ikinalunod.

vuukle comment

APLAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with