^

Probinsiya

74-anyos wanted sa rape sa apo, nalambat

John Unson - Pilipino Star Ngayon

Ama at tiyuhin, suspek din, tugis

COTABATO CITY – Masaklap ang sinapit ng 15-anyos na dalagita sa kamay ng tatlong kapamilya kabilang ang sariling ama, at ang 74-anyos na lolo na nasa kamay na ng pulisya makaraan siyang halinhinan at makailang ulit na gahasain sa loob ng kanilang tahanan simula pa noong 2021 sa Magpet, Cotabato.

Sa ulat ng Magpet Police, arestado na ang 74-anyos na lolo ng biktima habang tinutugis na ng mga pulis ang kanyang ama at tiyuhin na nagmolestya sa kanya.

Mismong ang hepe ng Magpet Municipal Police Station na si Major Rolando Dillera, Jr., ang nagkumpirma nitong Biyernes sa mga reporters na nasa kustodiya na nila si Vicente Yson Samillano, na wanted sa kasong panggagahasa sa babaeng apo.

Ang lolong si Samillano na nadakip nitong Miyerkules sa Brgy. Binay, Magpet ay nasa isang police detention facility na, ayon sa hiwalay na pahayag ni Brig. Gen. Jimili Macaraeg, director ng Police Regional Office-12.

Nabatid na wala sa pangangalaga ng ina ang dalagitang anak dahil isa siyang contract worker sa ibang bansa.

Ang pagkakaaresto sa lolo ay naganap dalawang linggo mula nang maglabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court Branch 23 sa Kidapawan City, na may lagda ni Judge Jose Tabusares, kaugnay ng kinakaharap na kasong rape.

vuukle comment

ROLANDO DILLERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with