^

Probinsiya

4 persons-of-interest natukoy sa rape-slay ng 17-anyos

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng Naga City Police Office (NCPO) na may apat na persons of interest kaugnay ng rape-slay ng isang 17-anyos na dalagita sa lungsod ng Naga.

Tumanggi pa ang NCPO na pangalanan ang apat dahil sa ginagawang follow-up ­operations.

Ayon kay PLt. Col. Dario Sola, Deputy City Director for Operations ng Naga City Police Office, sumailalim sa autopsy ang  bangkay ng biktima at lumalabas na sinakal ito na posibleng dahilan ng kanyang pagkamatay.

Nasa state of decomposition na ang katawan ng biktimang senior high school student nang matagpuan sa isang bakanteng lote, isang linggo matapos maiulat ang pagkawala nito.

Pinaniniwalaang ginahasa ang biktima dahil sa wala siyang saplot pang-ibaba nang madiskubre habang ang underwear nito ay ­narekober sa crime scene.

Naglaan naman ng  pabuyang P100,000 si Naga City Mayor Nelson Legacion  sa  sinumang makapagbibigay ng  impormasyon   sa kinaroroonan ng mga suspek upang maresolba ang  karumal-dumal na krimen.

NAGA CITY

NCPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with