^

Probinsiya

Mangingisda kulong sa pagkatay ng as

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Mangingisda kulong sa pagkatay ng as
Stock image of a hand.
Image by soumen82hazra from Pixabay

SARIAYA,Quezon, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng isang mangingisda makaraang katayin at pagtangkaang gawing pulutan ang aso ng isang bakasyunista sa beach resort sa Barangay Bignay 1, sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinasuhan ng pag­labag sa  RA 10631 (Animal Welfare  Act of 1998) ang suspek na si Renato Castillo, 51 ng Barangay Bignay 1 habang tugis na ang kasama nitong nakilala lamang sa alyas na Bunso.

Ayon Kay PMajor Romar Pacis, chief of police sa bayang ito, nagtungo sa Del Prado resort dakong alas 2:00 ng hapon upang mag-swimming ang bakasyunistang si Alicia Peduche, 63 ng Tanza, Cavite at mga kaanak kasama ang da­lawang imported na aso.

Gayunman makalipas ang kalahating oras ay natuklasan nilang nawawala ang isang aso ng matanda kung kaya’t ipinagbigay-alam sa management ng resort at nag-anunsyo na magbibigay sila ng halagang P5,000 sa makakapagturo sa kinaroroonan o makakakuha nito.

Lumipas ang isang araw ay hindi natagpuan ang aso hanggang makatanggap ng impormasyon ang biktima na ang kanyang aso ay kinatay na ng suspek at balak na gawing pulutan.

Sa tulong ng pulisya ay natunton ang kinaroroonan ng suspek sa Sitio Puntor ng nasabing barangay at natagpuan na din doon ang karne ng aso.

vuukle comment

MANGINGISDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with