Mga pamilyang naapektuhan ng baha sa Cotabato, inayudahan ng DSWD
MANILA, Philippines — Inayudahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha sa Kabacan, Cotabato.
Sa pangunguna ng Disaster Response Management Division, nagkaloob ang DSWD Field Office XII ng family food packs sa 1,829 apektadong pamilya doon.
Ayon kay DSWD FO XII Director Loreto Cabaya Jr., dahil sa matinding pag-ulan at flashfloods ay marami sa mga residente ang nasira ang tahanan at nawalan din ang mga ito ng pagkakakitaan.
Tiniyak naman ng DSWD na patuloy itong nakamonitor sa lagay ng mga residente kung sakaling mangailangan pa ng karagdagang tulong.
“We are fully committed to providing immediate assistance to our fellow citizens in times of crisis,” ani Director Cabaya.
Nagpasalamat naman si Cotabato Gov. Emmylou Taliño sa DSWD XII sa pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalantang Cotabateño. - John Unson
- Latest