^

Probinsiya

Mister tepok sa suntok ng kapitbahay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

JOMALIG, Quezon, Philippines —  Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang mangingisda makaraang pagsusuntukin ng kainumang kapitbahay sa Barangay Bukal sa bayang ito kamaka­lawa ng gabi.

Hinihinalang hemorrhage ang sanhi ng pagkamatay ng biktimang si Noli Alfun, 34 habang boluntaryo namang sumuko sa mga otoridad at nahaharap sa kasong homicide ang suspek na si alyas Edmunds, 26 kapwa mga residente sa naturang lugar.

Ayon sa ulat ng Jomalig PNP, bandang alas-8:00 ng gabi ay nag-iinuman ang suspek at biktima at iba pa nilang kapitbahay sa bahay ng una nang biglang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nila.

Sinubukan umanong awatin ng biktima ang galit na galit na suspek subalit pinagsusuntok siya ng tatlong beses sa mukha na ikinatumba nito.

Sa pag-aakala ng ibang kapitbahay na dahil lamang sa kalasingan kaya nakatulog ang biktima ay Ipinagpatuloy ng mga ito ang inuman gayunman nang hindi na ito gumagalaw ng may ilang minuto ay agad nilang dinala sa Rural Health Unit subalit namatay rin.

vuukle comment

NOLI ALFUN

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with