^

Probinsiya

Magpinsan tepok sa kidlat, 1 pa kritikal

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

SAMAL, Bataan , Philippines — Dalawa ang patay habang isa naman ang kritikal sa pagamutan matapos tamaan ng kidlat ang isang magpapamilya sa Brgy. Palili ng bayang ito kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Kevin Sacris, 21- anyos at pinsan na si Elvin Sacris, 26-anyos, habang kritikal sa pagamutan ang kanilang tiyuhin na si Eddie Sacris, 40-anyos; pa­wang residente ng na­banggit na lugar.

Ayon kay Gregorio Odis na siyang may-ari ng lupa kung saan natagpuan ang mga biktima, sunod-sunod umano na malalakas at matatalim na kidlat ang gumuhit sa kalangitan bandang alas-12 ng tanghali.

Nang kanyang siyasatin ang lugar ay ilan sa mga puno ng niyog ay natapyas dahil sa pagkidlat hanggang sa tumambad na sa kanya ang tatlong nakahandusay na mga Sacris.

Wala na umanong buhay sina Kevin at Elvin habang si Eddie nang matagpuan ay kaagad na isinugod sa pagamutan.

vuukle comment

KEVIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with