^

Probinsiya

Binata nakipag-eyeball sa 17-anyos na chatmate, minartilyo saka binigti!

Pilipino Star Ngayon
Binata nakipag-eyeball sa 17-anyos na chatmate, minartilyo saka binigti!
Lumilitaw sa report na nakabalot ng kumot ang biktimang si Dave Ablanzar, binata nang madiskubre ang kanyang katawan sa tubuhan. Huli siyang nakitang buhay noong Huwebes, Mayo 11.
STAR/File

Bangkay itinapon sa tubuhan…

MANILA, Philippines — Bangkay na nang matagpuan sa tubuhan ang 35-anyos na lalaki na ilang araw nang nawawala matapos makipagkita sa kanyang menor-de-edad na chatmate sa Dingle, Iloilo, ayon sa pulisya kahapon.

Lumilitaw sa report na nakabalot ng kumot ang biktimang si Dave Ablanzar, binata nang madiskubre ang kanyang katawan sa tubuhan. Huli siyang nakitang buhay noong Huwebes, Mayo 11.

Ayon sa pulisya, may nakilalang 17-anyos ang biktima sa isang kapistahan sa Pototan noong Mayo 8, at naging chatmate umano ang dalawa.

Nabatid na Mayo 11 nang magkasundo umano ang dalawa na magkita sa bahay ng isang Andrei Ticar, 20, at dito ay nagkaroon ng inuman.

Habang nag-iinuman ang biktima at ang 17-anyos na dalagita. Dito niyaya umano ng lalaki ang dalagita na makipag-sex sa kanya subalit tumanggi  ang huli hanggang sa magkaroon sila ng away.

Sinabi ni Dingle Municipal Police Station chief Police Captain Aileen Lacrite na dahil sa nangyari  ay humingi umano ng tulong ang dalagita kay Ticar kaya dito na sumugod ang nasabing suspek at pinagpapalo ng martilyo, binigti saka binalot ng bedsheet at tinapon ang bangkay ng biktima sa tubuhan.

Sa kabila ng ginawang krimen, mismong ang suspek na si Ticar pa ang nagturo sa awtoridad kung saan itinapon ang bangkay ng biktima.

Ipinagbigay-alam pa ng  suspek sa pulisya ang nangyari subalit  hindi  pinirmahan ang extrajudicial affidavit kaya hindi sila naidetine.

Hindi naman naniniwala ang mga kaibigan ng biktima na magagawa ni Ablanzar ang paratang dito na pamimilit ng pakikipagtalik sa dalagita.

Giit ng mga kaibigan ng biktima, pinagplanuhan ng suspek ang pagpatay dahil hindi naman basta-basta magtutungo ang biktima sa lugar.

vuukle comment

DAVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with