^

Probinsiya

2 katutubong Dumagat nagsasabong sa Kaliwa Dam project

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

GENER NAKAR, Quezon , Philippines — Mistulang nagsasabong ang dalawang grupo ng mga katutubong Dumagat sa Reina area o Real, Infanta, Ge­neral Nakar dahil sa isyu sa itinata­yong Kaliwa Dam project.

Nagtayo ng mga barikada ang mga ka­tutubong tribo ng Dumagat-Remontado sa ilog ng Tinipak sa itaas ng Sierra Madre sa parte ng General Nakar sa lalawigan ng Quezon kamakalawa.

 Ayon Kay Marcelito Tena, lider ng tribong Dumagat at tagapagsalita ng mga tumututol sa dam, ito ay upang hadlangan ang planong ritwal ng mga katutubong grupo na sumusuporta sa Kaliwa dam.

Dagdag pa ni Tena, ang pagsasagawa ng magka­salungat at mag­ka­ibang ritwal sa ka­nilang sagradong lugar ay luma­labag sa kanilang tradisyon at kultura.

Noong nakaraang Mahal na Araw ay una na silang nagsagawa ng ritwal sa natu­rang sagradong lugar para sa kahi­lingan na hindi itayo ang dam at maprotektahan ang kalikasan.

Patuloy namang binatikos ng mga ka­tu­tubong grupo ang mga kapwa miyembro ng tribo na sumusuporta sa gobyerno at Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System (MWSS) para sa pagpapayag sa konstruksyon ng Kaliwa dam.

vuukle comment

KALIWA DAM PROJECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with