^

Probinsiya

Mga bangkay sa nasunog na M/V Mary Joy 3, kinilala

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon
Mga bangkay sa nasunog na M/V Mary Joy 3, kinilala
Nagpapatuloy ang ginagawang search and rescue operations ng mga operatiba ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa mga nawawalang pasahero ng nasunog na M/V Mary Joy 3 at sa imbestigasyon sa nasabing trahedya nitong Marso 29 ng gabi sa Basilan.
PCG

MANILA, Philippines — Natukoy na ang mga bangkay na narekober mula sa barkong nasunog sa Baluk-Baluk Island, Hadji Muhtamad, Basilan nitong Marso 29.

Ayon sa ulat, tinungo ng Sulu-Provincial Disaster Risk Reduction Ma­nagement Office (PDRRMO) ang Basilan upang makuha at makilala ang mga labi ng mga pasahero nang nasunog na M/V Mary Joy 3 ng Aleson Shipping Lines.

Gamit ang sea asset ng PNP Maritime Group, sinabi ni Julkipli Ahijon, Jr. PDRRMO officer ng Sulu na kasama nilang nagtungo sa Basilan ang mga kaanak na pumunta sa Help Desk na kanilang binuksan sa pantalan ng Jolo, kung saan apat na katawan ang kanilang nadala matapos makilala ng kanilang mga kaanak, kabilang pa rito ang dalawang bata at dalawang babae at lalaking adult.

Isa pang bangkay na narekober ang duma­ting kahapon ng mada­ling araw lulan ng M/V Diana ng Montenegro Shipping Lines mula sa Zam­boanga.

Mayroon naman isa, ayon kay Ahijon ang kinuha na mismo ng kanilang mga kaanak mula sa bayan ng Luuk habang naihatid naman ang dalawang buwang sanggol sa kaniyang nanay sa Zamboanga.

Ani Ahijon, mayroon pang isang bangkay ang hindi pa nakilala ng otoridad na ngayon ay nana­natili sa isang pune­rarya sa Zamboanga.

Magsasagawa muli umano ng imbestigasyon ang SOCO sa barko upang makilala rin ang 18 naiulat na sunog na bangkay.

Lumilitaw sa lista­han ng Maritime Group na 25 pa ang nawawalang pasahero ng barko base na rin sa pagdagsa ng mga kaanak ng mga biktima.

Kahapon, patuloy ang search and rescue ope­ration ng mga awtoridad kabilang ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at Philippine Coast Guard (PCG), sa lugar kung saan nasunog ang nasabing barko.

Lumalabas na mahigit 200 na pasahero ng barko ang na-rescue na ng mga magkasanib na mga kasapi ng PCG, Basilan PDRRMO, Basilan Provincial Police Office at mga unit ng 101st Infantry Brigade ng Philippine Army. Naihatid na rin ang marami sa kanila sa kani-kanilang mga lugar.

Nagsasagawa pa rin ng pagsisiyat ang mga kasapi ng BFP sa sanhi ng sunog ng barko.

PDRRMO

SUNOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with