^

Probinsiya

Ate kritikal sa saksak ni bunso

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nasa maselang kalagayan sa ospital ang isang 24-anyos na dalaga makaraang sak­sakin sa ulo ng 16-anyos na nakababatang kapatid nito nang mag-away sa kanilang tahanan kamakalawa ng gabi sa Bacoor City. Nagtamo ng isang saksak sa likurang bahagi ng ulo ang biktimang nakilalang si Janisah Ote Alag, 24-anyos, repacker at residente sa Brgy. Zapote, Bacoor City. Hawak naman ng Bacoor Police ang suspek na itinago sa pangalang Junior.

Sa imbestigasyon ni Police Sergeant Marvin Rae Calaor, alas-8:40 ng gabi nang maganap ang pananaksak matapos mag-away ang mag-ate dahil sa diumano’y problemang pamilya. Napikon umano ang suspek sa kaniyang ate kung kaya pagtalikod nito ay sinaksak nito na tinamaan sa likurang bahagi ng ulo.

Agad namang naitakbo sa pagamutan ang biktima habang dinakip ng mga rumespondeng opisyal ng barangay ang binatilyo at dinala sa himpilan ng pulisya. Kinonsidera naman ng Womens and Childrens Protection Division (WCPD) ang suspek na isang minor offender at sasampahan ng kasong attempted homicide.

SAKSAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with