^

Probinsiya

2 truck driver dedo sa pamamaril

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapwa bulagta ang dalawang truck driver matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa kahabaan ng Maharlika National Highway ng Sitio Lagatic, Brgy. Taisan, Sipocot, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Kervie Besca Amardecer, 40-anyos, residente ng Cagayan De Oro City at Saturnino Solero Cruz Jr., 32-anyos, residente ng Brgy. Batong Paluway, San Andres, Catanduanes.

Sa ulat na nakarating sa Camp Gen.Simeon Ola, alas-8:46 ng gabi habang nakaupo sa loob ng kanyang minamanehong 10-wheeler Mitsubishi truck  si Amardecer na nakahimpil sa madilim na bahagi at tabi ng highway nang walang kaabug-abog na pinagbabaril ng hindi nakilalang suspek na agaran niyang ikinasawi.

Habang binabaril si Amardecer ng suspek ay siya namang pagdaan ng Isuzu Elf Truck na minamaneho ni Cruz na nasapol ng ligaw na bala sa katawan dahilan para mawalan ito nang kontrol sa pagmamaneho at malakas na rumampa sa tabi ng highway at nasawi.

Patuloy sa ginagawang imbestigasyon ang mga pulis para malaman ang pagkakakilanlan at motibo ng pamamaslang kay Amardecer.

vuukle comment

KRIMEN

PAMAMARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with