^

Probinsiya

3 Chinese kidnaper timbog, lady analyst nasagip

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
3 Chinese kidnaper timbog, lady analyst nasagip
Naaresto sa operasyon ang mga suspek na nakilalang sina Huang Jun, 31-anyos; Huang Chen Bo, 24-anyos, at Chang Yu Pen, 22; pawang naninirahan sa Molino, Bacoor City, Cavite.
STAR / File

Sa rescue operations sa Cavite

CAVITE, Philippines — Arestado ang tatlong Chinese national na armado ng matataas na kalibre ng baril matapos ang ginawang pagdukot sa isang babaeng Chinese data analyst sa rescue operations na ikinasa ng mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa Barangay Molino 4, Bacoor City.

Nakilala ang biktima sa alyas na Lady Wu, 28-an­yos, dalaga, isang data analyst at residente ng Neijiang City Sichuan China.

Naaresto sa operasyon ang mga suspek na nakilalang sina Huang Jun, 31-anyos; Huang Chen Bo, 24-anyos, at Chang Yu Pen, 22; pawang naninirahan sa Molino, Bacoor City, Cavite.

Sa nakalap na ulat mula kay Police Col. Christopher Olazo, director ng Cavite Police Provincial Office, nagkasa sila ng joint rescue operations kasama ang pinagsanib na puwersa ng Bacoor City Police na pinangunahan ni Lt. Col Ruther Saquilayan, Cavite Provincial Intelligence Unit at Anti-Kidnapping Group sa pamumuno ni Col. Fre­derick Eslava Obar, dakong alas-10:30 ng gabi sa tinutuluyan ng mga suspek sa nasabing lugar kung saan nila itinago ang kinidnap na biktima.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nitong Enero 5 dakong ala-1:10 ng hapon ay dumulog sa Bacoor Police Station ang dalawang lalaki na hindi muna pina­ngalanan at humingi ng tulong hinggil sa diumano’y may isang babae na dinala sa kanilang hotel sa SMDC Shore C2 na biktima ng kidnapping. Agad din umanong inilabas ng mga suspek ang biktima at dinala sa nirerentahang bahay sa may Brgy. Molino, Bacoor City.

Dahil dito, agad na ikinasa ang rescue mission at nang marating ang lugar, naabutan ng grupo ang tatlong suspek kasama ang biktima sanhi upang ma-rescue ang huli at hindi na nakapalag ang mga suspek sa pag-aresto.

Sa salaysay ng biktima, nagtungo siya sa Pilipinas dahil na rin sa pangako ng mga suspek na bibigyan siya ng trabaho at may suweldong P150,000 subalit pagda­ting umano nito ay agad siyang dinukot.

Narekober ng pulisya sa mga suspek ang isang Foton van na kulay puti na may plakang LAC 5364, isang pistol cal. 45 Armscor na walang serial number, 1 magazine na may mga bala, isang cal. 40 Taurus, dalawang magazine na may 38 na bala, mga bala ng cal. 40, isang Taurus cal. 40 na may dalawang magazine na kargado ng 21 bala, hand grenade, jungle knife, dalawang posas, 6 na iba’t ibang Iphone cellphone, isang MacBook laptop, P78,300 cash, duck tapes at iba’t ibang cards. 

Pinuri naman ni Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., regional director ng Police Regional Office 4 ang Cavite Police at si Col. Christopher Olazo sa mabilis na aksyon at agarang pagkaka-rescue sa biktima.

ARRESTED

KIDNAPPER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with