^

Probinsiya

Mister inutas sa Xmas party

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mister inutas sa Xmas party
Sinubukan pang isugod ng mga pulis sa Ziga District Hospital sa Tabaco City, pero idineklarang dead-on-arrival dahil sa isang tama ng saksak sa kanang bahagi ng dibdib ang biktimang nakilalang si Jayson Mendosa Bonaobra, may-asawa, residente ng Brgy. 4-Poblacion, Malilipot, Albay.
STAR/File

MALILIPOT, Albay, Philippines — Patay ang 40-anyos na mister matapos saksakin sa gitna nang kasayahan sa Christmas party sa Purok-2, Brgy.San Isidro Ilawod ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isugod ng mga pulis sa Ziga District Hospital sa Tabaco City, pero idineklarang dead-on-arrival dahil sa isang tama ng saksak sa kanang bahagi ng dibdib ang biktimang nakilalang si Jayson Mendosa Bonaobra, may-asawa, residente ng Brgy. 4-Poblacion, Malilipot, Albay.

Arestado naman sa ginawang follow-up operation ng mga pulis ang tumakas na suspek na kinilalang si Roger Buella Belchez, 52-anyos, residente ng Purok-2, Brgy.Canaway ng nasabing bayan.

Sa ulat, alas-9:30 ng gabi dumalo ang biktima at suspek kasama ang ­ilang kaibigan sa ginawang Christmas party sa Brgy.San Isidro Ilawod.

Gayunman habang nagkakasayahan ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang suspek at ilang kainuman.

Pumagitna ang biktima para sana umawat pero sinaksak siya ng suspek sa dibdib. Kasama ang isang kaibigan ay nagtungo ang duguang biktima sa Malilipot Police Station para magreport sa ginawang pananaksak sa kanya pero dahil sa malalang sugat ay isinugod ito ng mga pulis sa pagamutan gayunman hindi na umabot nang buhay.

vuukle comment

CHRISTMAS PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with