^

Probinsiya

Anti-criminality drive sa Zambales, pinalakas

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

IBA, Zambales, Philippines — Mas pinatindi ang anti-criminality drive sa lalawigang ito matapos ang serye ng operasyon na ikinaaresto ng ilang indibidwal na may iba’t ibang kasong kinasasangkutan.

Sa isang linggong isinagawang anti-criminality drive ng Zambales Police Provincial Office, naging matagumpay ang pag-aresto sa ilang wanted persons na may kasong theft, murder, estafa at attempted homicide sa bisa ng mga inihaing warrant of arrests laban sa kanila.

Sa pagpapatuloy ng operasyon, may anim din ang nahuli sa akto ng iligal na pagsusugal habang anim pa na drug suspects ang naaresto kung saan nakumpiska mula sa kanila ang apat na selyadong plastic sachets na may nilalamang hinihinalang shabu na tinatayang nasa 5.2 gramo ang timbang o katumbas ang P35,360.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sa mga kaukulang kaso.

vuukle comment

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with