^

Probinsiya

2 todas sa pamamaril sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 todas sa pamamaril sa Cavite
Matapos ang pamamaril ay naglakad lamang lang ang suspek na tila walang nangyari.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Patay ang dalawang lalaki sa naganap na dalawang insidente ng pamamaril sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, kamakalawa. Sa ulat ng pulisya, ang unang insidente ay naganap sa Dasmariñas City dakong alas-12:30 ng hapon kamakalawa sa Brgy. San Esteban, kung saan binaril sa ulo habang nakatambay ang biktimang si alyas “Norman”, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.

Matapos ang pamamaril ay naglakad lamang lang ang suspek na tila walang nangyari.

Sumunod na pamamaril ay naganap habang naglalaro naman sa kaniyang cellphone ang biktimang si alyas “Jerome” sa harapan ng isang sari-sari store sa may Tropical Village, Pabahay 2000 Sec E, Barangay San Francisco , Gen Trias City Cavite dakong alas-11:45 kamakalawa ng gabi. Nilapitan si Jerome ng ‘di nakilalang suspek at malapitang binaril sa dibdib bago mabilis na tumakas ang huli.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis sa magkahiwalay na himpilan kabilang na ang backtracking at pangangalap ng Closed Circuit Television (CCTV) footages na makakatulong upang matukoy ang mga salarin at maaresto.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with