^

Probinsiya

'Jeepcycle' sa Laguna agaw eksena, ibinebenta sa halagang P80k-P120k

James Relativo - Philstar.com
'Jeepcycle' sa Laguna agaw eksena, ibinebenta sa halagang P80k-P120k
Litrato ng "jeepcycle" na ibinebenta ng 5E Welding Shop sa Cabuyao, Laguna
The STAR

MANILA, Philippines — Hindi lang mga karakter sa "Dragon Ball" gaya nina Goku at Vegeta ang pwedeng mag-fusion — ang isang welding shop kasi sa Cabuyao, Laguna gumagawa at nagbebenta na ngayon ng mga jeepney-tricycle hybrid.

Ayon kay Erik Mahinay ng 5E Welding Shop, taong 2019 pa nang una niyang maisip na gawin ang disenyo. Kaso, nitong nakaraang taon na lang daw nila sinimulang gawin ng kanyang mga kapatid.

"Naisipan po namin 'yan dahil sobrang hina po ng kita namin sa pagiging welder. Walang benta sa mga tricycle dahil [COVID-19] pandemic nga," sabi niya sa panayam ng News5, Huwebes.

"Noong gumawa kami ng isa at in-upload namin sa Facebook, doon po [namin nalaman] na marami palang nagkakagusto sa ganoong design kaya hanggang ngayon tuloy-tuloy na siya."

Inaabot ng hanggang 15 araw ang pagbuo nila sa mga jeepcycle, at siyang nagkakahalaga ng P85,000 hanggang P120,000 kada unit.

Kaya daw ng naturang sasakyan magdala nang hanggang anim hanggang pitong katao, kasama na ang tsuper. Ang matindi pa, pwede rin itong lagyan ng gamit sa bubong (top load) habang nagsisilbi ring compartment ang hood. Wala kasi ang makina roon.

"Nagandahan po talaga ako sa yari ng kanilang jeepcycle. Tapos napakaganda pong sasakyan pamalengke, at lalung-lalo na kapag papunta sa kapitbahay kapag magmarites ka," wika ng overseas Filipino worker na si Arthur Gamo mula Italy, na bumili nito para sa pamilya sa Batangas. 

"Maalwan sila [pamilya ko]. Pakiramdam nila napakaluwag sa loob. Hindi gaano siya matagtag ['di gaya ng] tricycle."

Sa hiwalay na panayam ng The STAR kay Mahinay, sinimulan nila itong gawin noong nagsimula ang modernisasyon ng mga jeep, bagay na kanilang ikinalungkot lalo na't parte na raw ng kulturang Pilipino ang tradisyunal na "Hari ng Kalsada."

Samantala, sinimulan na rin ng magkakapatid na Mahinay ang paggawa ng "mini version" ng jeep, bagay na kayang magsakay ng waluhang pasahero. Nagkakahalaga naman ito ng P250,00.

Dagdag pa nila, maliit ang gastos sa maintenance ng sasakyan lalo na't makina lang ng motorsiklo ang ginagamit.

"Suportahan natin 'yung gawang Pilipino dahil kaya natin gawin 'yung kaya ng ibang bansa," sabi pa ni Erik. — may mga ulat mula sa News5

CABUYAO

JEEP

JEEPNEY MODERNIZATION

LAGUNA

MOTORCYCLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with