^

Probinsiya

Hinabol, hinataw sa ulo Ama, pinatay ng sariling anak!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Bagama’t nakaiwas sa mga saksak, isang ama ang napatay ng  kanyang sariling anak makaraang hatawin ng matigas na bagay sa ulo sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo, kamakalawa sa Brgy. Carsadang Bago 2, Imus City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Alfredo Blanco, residente ng Golden Villas Subdivision, Brgy. Carsadang Bago 2, Imus City, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-10:30 ng umaga nang maganap ang pagtatalo ng mag-ama sa kanilang bahay sa nasabing lugar.

Sa salaysay ng isa pang anak ng biktima sa pulisya na si Damian Blanco, nagkasagutan ang amang si Afredo at kaniyang kapatid (suspek) na si alyas “Diego”.

Nauwi umano ito sa mas mainit pang sagutan ng mag-ama hanggang sa dumampot ng patalim si Diego at inundayan ng sunud-sunod na saksak ang ama subalit nagawang makaiwas.

Gayunman, dumampot ang suspek ng isang matigas na bagay at inihataw sa kaniyang ama na tangkang tumakbo sa lugar.

Bumagsak ang biktima sa sahig habang mabilis na tumakas ang suspek. Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.

Sa follow-up operation ng pulisya, nakorner nila ang suspek subalit hinarang naman sila ng isa pang kapatid nito na si alyas “Geo” para makaiwas sa pag-aresto ang una dahilan upang kapwa sila inaresto ng mga pulis.

Nahaharap sa kasong parricide si Diego dahil sa pagpatay sa ama habang kakasuhan ng obstruction of justice si Geo.

ALFREDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->