^

Probinsiya

Dolphin napadpad sa dalampasigan, namatay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CALAUAG, Quezon, Philippines — Isang sugatang ­Fraser’s Dolphin ang napadpad sa baybayin ng Barangay Poblacion 3,Calauag,Quezon, ka­makailan.

Namatay rin agad ang naturang dolphin na may habang pitong talampakan, ilang minuto matapos itong matagpuan sa dalampasigan.

Kumuha ng sample ng organ ng dolphin ang tanggapan ng Animal Health and Welfare Division ng Provincial Ve­terinarian Office upang ipasuri sa laboratoryo ng Institute of Environmental Science & Meteorology (IESM) sa University of the Philippines (UP) - Diliman at nang sa gayon ay matukoy ang naging sanhi ng pagkamatay nito.

Nagpaalala ang departamento sa publiko  na kung sakaling may mapadpad na mga endangered species sa baybay dagat ay huwag agad lapitan upang maiwasan ang stress na isa sa posibleng nagiging sanhi ng pagkamatay nito.

vuukle comment

DOLPHIN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with