^

Probinsiya

Death toll ni Paeng lumobo ng 160 katao, P11.8 bilyong pinsala sa agri at imprastraktura

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Death toll ni Paeng lumobo ng 160 katao, P11.8 bilyong pinsala sa agri at imprastraktura
Men carrying their bicycles as they walk along a debris-covered street in Noveleta, Cavite province on October 30, 2022, a day after Tropical Storm Nalgae hit. Emergency workers scrambled to rescue residents trapped by floods in and around the Philippine capital on October 30, 2022 as Tropical Storm Nalgae swept out of the country after killing at least 48 people.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines— Pumalo na sa 160 katao ang death toll sa matinding balasik sa pananalasa ng bagyong Paeng  habang  umaabot na sa P11.8 bilyon ang iniwan nitong pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa bansa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado.

Sa situational report ng NDRRMC sa nasabing bilang ng mga nasawi sa bagyong Paeng, 132 dito ang kumpirmado habang 28 pa ang patuloy ang beripikasyon at hinihintay munang maisyuhan ng death certificate ng Department of Health (DOH).

Ayon sa ulat, karamihan sa mga namatay ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may 64 katao dahil sa landslide at flashfloods sa rehiyon partikular na sa lalawigan ng Maguindanao.

Pumangalawa naman sa rami ng death toll sa pananalasa ng bagyong Paeng ay ang Western Visayas na may 37 kataong nasawi; CALABARZON  na nasa 33 namang bilang ng mga namatay.

Sa kasalukuyan, 29 pang katao ang missing habang 146 ang iniulat na nasugatan sa paghagupit ng kalamidad.

Samantala, mahigit P11.8 bilyon ang iniwang  pinsala  ni Paeng sa agrikultura at imprastraktura sa buong bansa. Nasa P6,397,456,211 halaga ng pananim ang nawasak habang P5,435,525,437 sa imprastraktura kasama na ang mga school buildings, kalsada, at tulay ang  nawasak sa delubyo ng kalamidad.

Nasa 5 410,106 katao ang naapektuhan ng pananalanta ng bagyong Paeng kung saan nasa 25,672 indibiduwal ang patuloy na kinakanlong sa mga evacuation centers. Nasa 36 pang mga lugar ang walang linya ng komunikasyon at 24 naman ang wala pa ring elektrisidad.

vuukle comment

NDRMMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with