Dalawang wanted sa Romblon dahil sa rape, tiklo
ROMBLON, Philippines (Romblon News Network) — Dalawang wanted sa kasong pangagahasa o rape ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police sa magkahiwalay na operasyon sa Mansalay, Oriental Mindoro at San Andres, Romblon nitong Sabado, October 22.
Ang isa sa mga suspek ay kinilalang si Samuel Faina, 30, na naaresto sa Oriental Mindoro ng Mansalay Municipal Police Station.
Ang suspek ay may warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 82 noon pang November 2010.
Sa Barangay Matutuna sa bayan naman ng San Andres, Romblon naaresto si Rommel Ignacio, 38, na wanted mula pa April 2015.
Parehong walang mga piyansa ang kaso ng dalawa.
Sinabi ni Police Capt. Richard Obsid ng Romblon Police Provincial Office na ang mga suspek ay dadalhin na sa Odiongan, Romblon para iharap sa kinakaharap nilang mga kaso.
--
Ang Romblon News Network ay regional partner ng Philstar.com.
- Latest