Lady operator, 3 parokyano tiklo sa drug raid
BAGUIO CITY, Philippines — Sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Baguio City police ang isang drug den at dito ay naaresto ang isang babae na umano’y operator at tatlo niyang parokyano nitong Miyerkules.
Kinilala ang mga suspek na sina Marivic Rodriguez, 56; Cherryl Asim, 37, mula sa Brgy. Panta San Vicente; Carlito Javier, 43 na umano’y lover ng una; at Joel Sales, 36.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 18 gramo ng shabu na nakalagay sa plastic sachets at iba pang drug paraphernalias.
Ayon kay NBI-CAR Supervising Agent Lorenzo Lab-as, na sila ay nakatanggap ng intelligence report na patuloy pa rin si Rodriguez sa pagbebenta ng droga sa kanilang lugar kaya’t isinagawa ang surveillance.
Nang magpositibo ay nagdala ang mga otoridad ng search warrants sa bahay ni Rodriguez sa San Carlos Heights Extn., Brgy. Irisan at naaresto ang mga suspek.
Nagbabala naman si PDEA-Cordillera regional director Gil Castro sa mga drug drug den operators sa lungsod na umalis na ng Baguio dahil sila ay determinado na masakote.
- Latest