^

Probinsiya

129 magsasaka sa Pangasinan tumanggap ng lupa sa DAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 129 magsasaka sa Pangasinan ang tumanggap ng titulo ng lupa mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) makalipas ang 9 na taon nang paghihintay.

Nakuha na ng mga magsasaka na mula sa Barangay Hacienda sa Bugallon, Pangasinan ang kanilang certificates of land ownership award (CLOA) mula sa DAR.

“Halos siyam na taon kaming naghintay. Akala ko nananaginip pa ako pero nangyayari na pala,” ani Malonie Tejada, isa sa mga magsasaka na ngayon ay nag-mamay ari na ng lupa.

Ayon kay Ricardo Cunanan, isa pang benepis­yaryo, na dumaan sila sa maraming hirap bago nila tuluyang natanggap ang lupa.

“Sa tulong ng DAR at sa awa ng Diyos, nakamit namin ang aming inaasam-asam na lupa,” ani Cunanan.

Kaugnay nito, sinabi ni Agrarian Asst. Regional Director Maria Ana Francisco, ang 40-ektaryang sakahan sa barangay, na dating pag-aari ni Eduardo Dee at ibinenta kay Dr. Macario Feliciano, ay nakuha ng DAR sa pamamagitan ng compulsory acquisition at dumaan sa ilang legal na proseso bago tuluyang mairehistro sa Registry of Deeds ngayong taon.

vuukle comment

DAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with