^

Probinsiya

Totoy naligo sa ilog, nalunod

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

TIWI, Albay, Philippines — Patay ang isang 12-an­yos na batang lalaki matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig sa ilog habang lumalangoy kasama ang tatlong kalaro sa Sitio Capantagan, Purok-4, Brgy. Kale, Tiwi sa lalawigang ito kamakalawa ng umaga.

Tinangka pang isugod sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Christian Crusada Peñaranda, grade lV pupil at residente ng naturang barangay.

Sa ulat, alas-11:00 ng umaga ay nagkaya­yaan ang biktima at tatlong kalaro na maligo sa ilog sa kanilang lugar.

Gayunman,nang tumalon sa tubig ang biktima ay mabilis siyang tinangay ng malakas na agos papasok sa ilalim ng culvert ng ilog at hindi na muling lumutang.

Agad humingi nang saklolo ang mga kalaro sa mga residente pero patay na ito nang matagpuan.

vuukle comment

DEAD

TIWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with