^

Probinsiya

8-anyos­ ­totoy ­lunod sa palaisdaan

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
8-anyos­ ­totoy ­lunod sa palaisdaan
Ayon sa naantalang ulat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima bandang alas-10:15 ng umaga habang kalaro ang kanyang kapatid na babae na 9-anyos sa gilid ng bahay ng kanilang lolo na si Eduardo Rodriguez, 61-anyos ng nasabing barangay, na malapit lang sa nasabing palaisdaan.
STAR/ File

CABIAO, Nueva Ecija, Philippines — Malungkot na sinalubong ng pamilya Rodriguez ang Bagong Taon matapos malunod at masawi ang 8-taong gulang na batang lalaki sa isang palaisdaan sa Barangay Concepcion, dito, noong Huwebes ng hapon.

Dahil isang menor, kinilala lamang ng Cabiao Police ang batang biktima sa alyas na “Boy”, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa naantalang ulat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima bandang alas-10:15 ng umaga habang kalaro ang kanyang kapatid na babae na 9-anyos sa gilid ng bahay ng kanilang lolo na si Eduardo Rodriguez, 61-anyos ng nasabing barangay, na malapit lang sa nasabing palaisdaan.

Paniwala ng pulisya, maaari umanong sa kuryosidad ng biktima ay nagawi ito sa palaisdaan at pinanood ang mga isda ngunit aksidenteng nahulog dito nang hindi namamalayan ng mga tao roon.

Walang nakitang “foul play” ang pulisya sa pagkasawi ng biktima, habang ang pamilya nito ay tumanggi nang magsagawa ng autopsy sa bangkay. 

vuukle comment

EDUARDO RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with