News anchor ng DWNE, muling nahalal na pangulo
Nueva Ecija Press Club election
CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Nanalo sa ikatlong pagkakataon bilang pangulo ng Nueva Ecija Press Club, Inc. (NEPCI) si Gina T. Magsanoc sa regular na halalan na idinaos dito noong Sabado.
Si Magsanoc, isang news anchor ng DWNE Teleradio, ang information arm ng pamahalaang panlalawigan, ay hahalili sa co-DWNE announcer niya na si Agapito “Aga” Linsangan.
Si Linsangan na outgoing president ay nagsilbi ng dalawang magkasunod na termino mula 2020 at 2021 na nagkataong tinamaan ng kasalukuyang pandemya.
Unang naluklok si Magsanoc na pangulo ng NEPCI noong 2017 at muling nanalo sa kanyang ikalawang termino noong 2018. Sa kanyang ikatlong termino ay nagwagi siyang unopposed at manunungkulan para sa taong 2022.
Sinabi niyang uunahin niya ang kapakanan ng kapwa mamamahayag na miyembro ng club sa pamamagitan ng paglikom ng pondo para sa kanilang pagpapaospital, lalo na sa mga apektado ng pandemya.
Nahalal din na mga bagong opisyal sina Milo Salazar (Dahong Palay), executive vice president; Maureen Pagaragan (DWNE), vice president for Broadcast; Ferdie Domingo, vice president for print; Jessica Eraña, kalihim; Elsa Navallo, ingat-yaman; Ver Sta. Ana (Remate), auditor; at Emil Sapiandante, business manager habang sina Linsangan, Tony Vallejo, Pepe Balagtas, Ryan Rivera, Delfin Ilao, Clariza De Guzman, at Camille Salazar ang nanalo bilang mga bagong board of directors.
- Latest